Ang Republika ng Turkiya ay isang bansa na pangunahing matatagpuan sa Gitnang Silangan at bahagi nito sa timog-silangang Europa. Hinahanggan ang Turkiya ng Bulgaria at Greece sa kanluran, Georgia, Armenia, Azerbaijan, at Iran sa silangan, at Iraq at Sirya sa timog. Ito hanggang 1922 ang sentro ng Imperyong Otomano.